Sunday, January 1, 2012

Kuro-Kuro

Ang salitang kuro-kuro ay salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay OPINYON. Sa pagbibigay ng opinyon ay malaya tayo ipahayag ang ating nasasaisip at saloobin sa iba't ibang isyu at paksa sa ating lipunan, komunidad at kalikasan na ating ginagalawan. Maaari itong opinyon tungkol sa pulitika, edukasyon, relihiyon, kultura, kalikasan, ekonomiya atbp. Bagamat ang kuro-kuro ay pansarili (subjective) walang tama o mali sa pagpapahayag nito. Sa bawat paksa ang bawat tao ay maaaring magbigay ng sariling opinyon, sa pakikinig at pagbabahagi ng ibat-ibang opinyon maaaring magbago ang isang pananaw nt tao. Karanasan at moraliday ay ilan sa mga konseptong batayan kung bakit ang bawat indibidwal ay may mga sariling opinyon.

Sa blog na ito wikang Filipino o Tagalog ang siyang hinihikayat na ilagay at gamitin. Sabi nga ng isang matandang pilososopo " mas higit na maipapahayag ng mabuti at malinaw  ang saloobin ng isang indibidwal kung gamit nya ang kanyang sariling wika' Ganun pa man maaaringgumamit ng Ingles o iba pang wika ang sinoman na nais makilahok sa mga isayu at diskusyon na tatalakayin dito...

Tandaan natin na dapat natin igalang ang opinyon ng iba kahit ito ay salungat sa opinyon na ating pinaniniwalaan.

No comments:

Post a Comment